Nabulag umano ng pera ang mga opisyal ng gobyerno kaya pinayagan ang iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kahit na ipinagbawal na ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang sinabi ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez sa muling pagsasagawa ng imbestigasyon ng quad committee ng Kamara de Representantes.
Sinabi ni Fernandez na sa kabila ng utos ng Pangulo ay nagpatuloy ang operasyon ng POGO sa Cebu, Cavite, at Cagayan dahil itinuon umano ng mga korap na opisyal ang kanilang atensyon sa pera at personal na interes.
Ikinabahala rin ni Fernandez ang alegasyon na mayroong matataas na opisyal at dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot kaya nagpapatuloy ang operasyon ng POGO.
Sa kanyang pagtatapos, nanawagan si Fernandez sa publiko na tumulong upang mahanap ang mga iligal na POGO.