Nakipagpulong si Pope Francis sa ilang NBA player na mga opisyala ng National Basketball Players Association.
Napag-usapan sa pagpupulong tungkol sa social injustice issues.
Kinabiiblangan ito nina Kyle Korver ng Milwaukee Bucks, Sterling Brown ng Houston Rockets, Jonathan Isaac ng Orlando Magic, Anthony Tolliver ng Memphis Grizzles at Marco Belinelli ng San Antonio Spurs.
Isinakatuparan ang pagpupulong matapos ang pakikpag-ugnayan ng assitant ng Santo Papa sa nasabing mga NBA players.
Ayon sa Santo Papa na bilang isang manlalaro, mahalaga ang teamwork para maipanalo ang anumang ipinaglalaban.
Tumagal ng mahigit isang oras ang pulong na ginanap sa Apostolic Palace.
Matapos ng pulong ay umikot pa ang mga manlalaro sa St. Peter’s Square.
Magugunitang maraming NBA players ang sumama sa kilos protesta dahil sa nagaganap na racial discrimination at ang mga nagaganap na police brutality sa mga black Americans.