Nagsimula ng dumating sa US ang ilang mga bansa na lalahok para sa FIFA World Cup na magsisimula mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 19.
Nagkaroon ng iba’t-ibang send-off ceremony sa kani-kanilang mga bansa ang mga koponan.
Nasa Kansas City ang defending champion na Argentina national team na Albiceleste kung saan ipinakita ng three-time World Cup winning nation team ang kanilang mga posters kasama ang mga football stars gaya nina Lionel Messi at legend Diego Maradona.
Dumating naman sa Newark Internatonal Airport sa New Jersey ang five-time world champion na Brazil habang ang England team na Three Lions ay nasa Florida.
Kasama rin na dumating sa Florida ang national team na Scotland na Tartan Army.
Ilan sa mga koponan na inaasahan na darating sa mga susunod na araw ay ang Australian national team na Socceroos na pansamantalang maninirahan ang mga ito sa northern California.
Naghahanda na rinang mga bansang Germany,France, Spain,Portugal at Norway.
Habang nasa Mexico naman ang South Africa team na Bafana Bafana.
Nagsasanay naman ang US national Team sa Arthur Blank US Soccer National Training Center sa Georgia.
Mayroong 48 na bansa ang maghaharap sa 104-match up tournament kung saan ang finals ay gaganapin sa MetLife Stadium sa New Jersey.















