-- Advertisements --

Karamihang mga manlalarong kalahok sa FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa bansa ay darating sa susunod na linggo.

Mayroong 15 mga koponan na mula sa iba’t-ibang bansa ang darating sa Pilipinas.

Ang USA Basketball Team na pinangunahan ng kanilang coach na si NBA legend Steve Kerr ay darating sa Agosto 22.

Kasabay nilang darating ang New Zealand, Puerto Rico, Serbia at Italy.

Unang nakarating sa bansa ang Montenegro team nitong Huwebes Agosto 17 tatlong araw bago ang kanilang tune-up games na sinunda ng Ivory Coast na dumating nitong Biyernes.

Ngayong araw naman Agosto 19 ay darating ang unang koponan na makakaharap ng Gilas na Angola kasabay ng Egypt at Mexico.

Sa araw naman ng Linggo , Agosto 20 ay darating ang Dominican Republic at Greece. Darating naman sa Agosto 23 ang mga koponan ng China, South Sudan at Jordan.

Nananatiling mabigat na kalaban pa rin ang USA team sa Group C kasama ang New Zealand, Greece at Jordan.

Habang sa Pool B ay ang Serbia na kasama ang Puerto Rico, South Sudan at China na kinuha si NBA player Kyle Anderson bilang naturalized player.

Sa Group D naman ang Lithuania, Mexico, Montenegro at Egypt.

At ang Gilas Pilipinas ay nasa Group A kasama ang Dominican Republic, Italy at Angola.