Nasa Cordillera Administrative Region na ang Government Emergency Communications System – Mobile Operations Vehicle for Emergencies (GECS-MOVE) na ipinadala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang tumulong na mapagbuti ang communication sector sa nasabing rehiyon.
Pangunahing pokus ng nasabing serbisyo ay ang mga residnete sa Probinsya ng Abra, na isa sa mga labis na naapektuhan dahil sa pagguho ng lupa, kabahayan, kuryente, at pagkasira ng maraming mga kalsada nito.
Maliban dito, nagpadala rin ang DICT ng karagdagang Communications team sa ibat ibang bahagi ng Cordillera upang tumulong sa pagpapanumbalik sa Komyunikasyon sa mga ito.
Sa Region 2, nagpadala rin ang DICT ng mga generator sets upang magamit ng DICT R02 sa kanilang serbisyo sa mga internet users.
Sa islang bayan ng Calayan kung saan nag-landfall ang supertyphoon Egay, dumating na rin doon ang ilang mga satellite broadband internet dish at router upang magamit sa pagpapabuti ng komyunikasyon.
Sa kasalukuyan, inatasan na rin ni DICT Sec. Ivan John Uy ang mga tauhan nito na makipag-ugnayan sa mga mga DICT Regional offices upang matulungang maibalik ang serbisyo ng maayos na komyunikasyon sa mga nasabing lugar.
Pagtitiyak ng kalihim, regular ang kanilang koordinasyon sa mga telcos sa buong bansa, upang maibalik sa dati ang modile signal at internet connectivity sa mga naapektuhang lugar.