-- Advertisements --

Nakahanay na ang ilang mga paraan upang matiyak na malalagpasan ng bansa ang banta at epekto ng El Ninyo.

Ito ay sa pamamagitan ng “Whole of Government” approach o sa pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan,

Kinabibilangan ng mga konkretong plano ay ang mga sumusunod:

  1. Maayos na water supply line para walang masayang na tubig.
  2. Cloud seeding operations, sa tulong ng Department of Agriculture.
  3. Pagbibigay ng emergency water support sa pamamagitan ng pagkakalat ng water tanker.
  4. Pagbibigay ng Tulong pinansyal sa mga apektadong residente, kasama na ang mga libreng binhi na kayang mabuhay sa gitna ng tagtuyot.
  5. Regular ang meeting ng Inter-Agency Task Force on El Niño para mamonitor epekto nito sa bansa.

Ayon sa tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na si Director Edgar Posadas, malalagpasan din ng bansa ang hamon ng El Nino, sa pagtutulungan ng pamahalaan at ng publiko.