-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Ikinatuwa ng ilang mga manggagawa ang pag-apruba ng senado sa isandaang piso na itinaas sa arawang sahod sa mga pribadong sektor.

Ngunit may mga ilan pa ring umapela na ito ay maliit pa rin kung ikukumpara sa kanilang araw araw na gastusin.

Ayon kay Gladys Abuan, ang Supervisor ng isang pribadong sektor, bagamat matagal na nilang inaabangan ang pag-apruba ng umento sa sahod, umaasa ito na sana ay mas mataas pa ang idagdag.

Nanawagan din ito sa pamahalaan na nawa ay mas mapabilis pa ang pagpapatupad ng dagdag sahod upang ma-avail na nila ito.

Matatandaang ang panukalang batas ng dagdag sahod ay ginagarantiyahan ang pagtaas sa araw-araw na sahod ng humigit-kumulang 4.2 milyong minimum wage earners.

Sa ilalim ng panukala, lahat ng empleyado sa pribadong sektor, agricultural man o non-agricultural, ay may karapatan sa P100-araw-araw na minimum wage increase.

Dahil dito, pinag-iisipan ngayon ng House of Representatives ang mas malaking pagtaas sa sahod na umaabot hanggang P350 kada araw, na mas mataas kumpara sa P100 na iminungkahi ng Senado.

Samantala ang pinakahuling pagtaas ng minimum na sahod sa Region 1 sa kasalukuyan ay nagkakahalaga ng P30-P35 kada araw na naipatupad noong ika-10 ng Oktubre, 2023.

Ito ay nagdala sa kabuuang minimum na sahod sa P435 para sa mga hindi-agrikultural na establisyemento na may 10 o higit pang empleyado,