Screenshot 2021 03 13 11 57 07
-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Aminado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi pa naaayos ang ilang mga pasilidad na nasira ng nagdaang mga kalamidad.

Napag-alaman na may mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) facilities ang nasira dahil sa pananalasa ng magkakasunod na bagyo ng nakaraang taon.

Ayon kay DPWH Bicol spokesperon Lucy CastaƱeda sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tatlo sa 17 na mga COVID-19 facilities sa rehiyon ang nasira ng nagdaang mga kalamidad.

Kabilang na dito ang pasilidad sa bayan ng Oas at Libon sa ALbay at isa sa Goa, Camarines Sur.

Dagdag pa ng opisyal na sa kasalukayan ay binibigyang pansin na rin ang naturang mga pasilidad upang muling magamit laban sa COVID-19.

-- Advertisement --

Samantala, maliban sa mga COVID-facilities marami pa aniya na mga road projects ngayon ng DPWH ang tinatapos kaya pinalalahanan ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho samga kalsada.