-- Advertisements --
Ikinatuwa ng mga provincial bus operators ang pagpayag sa kanila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bumagtas sa EDSA mula Abril 6 para sa mga pasahero na uuwi sa kanilang probinsiya ngayong Semana Santa.
Ayon sa MMDA na simula ngayong araw kasi Abril 3 hanggang 5 ay papayagan ang mga provincial buses sa oras na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.
Pagdating ng Abril 6 hanggang 10 ay maarig bumagtas na sila ng 24 na oras.
Ang nasabing desisyon ay para maibsan ang makapal na pasaherong inaasahang uuwi ngayong Holy Week.