-- Advertisements --

Walang mangyayaring pagtaas ng presyo ng mga basic goods hanggang sa pagtatapos ng 2023.

Ayon kay DTI Assistant Secretary for Consumer Protection Group Amanda Nograles na mayroong 18 mga manufacturers ang humirit ng pagtaas ng 63 na produkto o stock
keeping units gaya ng iba’t-ibang brand ng delatang sardinas, kape, processed milk, tinapay, instant noodles, bottled water, condiments, toilet soaps at batteries.

Dagdag pa nito na sumang-ayon ang mga ito na huwag munang magtaas ng kanilang presyo hanggang sa katapusan ng taon.

Ang nasabing desisyon aniya ay matapos na pakiusapan sila ni Trade Secretary Alfredo Pascual.

Magugunitang inilabas na ng DTI ang presyo ng mga nagtaas na mga noche buena products.