-- Advertisements --

Plano ngayon ng European Union na magtayo ng “drone wall” sa kanilang mga borders sa Russia at Ukraine para agad na maharang ang anumang paglabag sa kanilang airspace.

Kasunod ito sa naganap na pagpasok ng mga drones ng Russia sa airspace ng Poland nitong Setyembre 10.

Noong nakaraang araw din ay isinara ng Denmark ang ilang mga paliparan nila dahil sa presensya ng mga drones na malapit sa paliparan.

Isinisi nila ang insidente sa mga drones mula sa Russia.