-- Advertisements --

Inihayag ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na kinausap siya ng mga kaalyadong bansa na iatras muna ang pag-atake sa energy infrastructure ng Russia.

Kasunod ito sa nararanasang pandaigdigang krisis sa langis dahil sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Hindi naman na binanggit nito ang mga bansang nakiusap sa kaniya.

Subalit sinabi niya na magagawa lamang nila ito kapag tumigil na rin ang Russia ng airstrike sa kanilang mga pasilidad.

Magugunitang ang China at India ang siyang pangunahing bumibili ng mga langis mula sa Russia.