Apektado ngayon ang ilang marine protected area dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo kabilang dito ang marine protected areas sa may Naujan at Pola.
Una ng sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nasa 21 locally managed marine protected areas ang posibleng maapektuhan 40 kilometer radius mula sa 5 nautical miles silangan ng Balingawan port.
Kabilang sa posibleng nanganganib dahil sa oil spill ay ang eagrass beds, mangroves, at dispersion pathways par sa spawned fish larvae.
Kaugnay nito, inatasan na ng DENR Task Force Naujan Oil Spill para ma-secure ang marine protected areas na maaapektuhan ng oil spill.
Una ng iniulat ng lokal na pamahalaan ng Pola sa Oriental Mindoro na ilang species ng isda ang namatay dahil sa oil spill kung saan ang kanilang seawater at shoreline ay naging kulay itim dahilan sa pagdedeklara ng state of calamity sa lugar.