Tiniyak ng ilang mambabatas na tatapatan nila ng mga bagong batas ang mga balakin o agenda ni Pangulong Bong Bong Marcos para sa bansa na kaniyang ibinahagi sa kaniyang inaugural speech kahapon.
Ayon kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes, kaniyang tinandaan ang nabanggit ng Pangulo na “no excuses” presidential pledge.
Aniya, maraming mga seniors ang patuloy na nagta trabaho pa sa mga palayan, fishing boats, livestock raising lots at grazing highlands kaya malaki ang kanilang inaasahan sa bagong administrasyon para mapabuti pa ang kanilang mga kalagayan sa buhay.
Binigyang-diin ni Cong. Ordanes na kaniyang isusulong ang protection para seniors and retirees mula sa elderly abuse kabilang ang financial abuse, pagpapalawak sa Philippine Veterans Bank, at isang P1,000 quarterly COLA ang ibibigay sa mga seniors, PWDs, solo parents, at 4Ps beneficiaries ng sa gayon maka cope up ang mga ito pagtaas ng inflation mula 2022 hanggang 2024, at ang free maintenance medicines para sa seniors na nagkakahalaga ng P1,000 kada buwan.
Sa panig naman ni Bagong Henerasyon Party-list Rep Bernadette Herrera, sumangguni ito sa binanggit ni Pang. Marcos hinggil sa energy sufficiency.
Sinabi ni Herrera na isa siya sa nagsusulong ng renewable energy, solar power, wind power, mini-grids and microgrids, mini-hydro facilities dahil ito ang mga energy technologies na nababagay sa ating archipelagic needs.
Naniniwala naman si Herrera, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng specific actions sa pamamagitan ng annual appropriations, bills na hinihimok ang investments and accountability lalo na sa energy, water, and telecoms sectors makakamit natin ang adhikain ni PBBM para sa bansa.
Ayon naman kay Quezon Province (Third District) Rep. Reynan Arrogancia, dapat walang lugar sa bansa na maiiwan sa mga infrastructure development dahil ang infrastructure ang susi sa maunlad na bansa.
Para kay 1-PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero mas kailangan ng agriculture sector ang karagdagang resources na crucial ito sa food self-sufficiency objectives ng bagong administrasyon.
Aniya, mahalaga na magtayo ng efficient commodities market and trading system, kabilang component storage depots, accountability and transparency mechanisms, at commodities exchange.”
Binigyang-diin din ni Romero na panahon na para maglagay ng building blocks para sa strategic fuel reserve ng bansa, sakaling bumaba ang presyo ng krudo at mag stabilize, ito na ang panahon para i-inject ang fuel reserves sa facilities and system na binuo.