Kumpiyansa si Davao City 1st District Representative Paolo Duterte na mas mapapalakas ang ating national security sa pagpapatupad ng SIM Registration Act.
Naniniwala si Duterte na malaking tulong ang SIM registration act sa law enforcement agencies sa pagresolba ng mga krimen gamit ang mobile phone units.
Sinabi ni Rep. Duterte, malaki ang epekto sa araw-araw nating pamumunay ng bagong batas dahil ngayon ang panahon para paghusayin natin ang digital security.
“We are now entering a new era marked by innovations on digital security. The Sim Card Registration Act is landmark legislation that will be part of our history books. This is not like any other measure (e.g. renaming of roads and other infrastructures) – it shall have a direct impact on our day-to-day lives,” pahayag ni Duterte.
Sa panig naman ni Benguet Rep. Eric Yap na sa pamamagitan ng SIM registration act ay mas magkakaroon na tayo ng pananagutan sa paggamit ng SIM card na magiging konektado na sa ating pagkakakilanlan.
Dagdag pa ni Yap, walang dapat ipag-aalala sa pagpaparestro ng SIM cards dahil nakapaloob sa batas ang special provision para ingatan ang mga impormasyon ukol sa may-ari ng SIM cards.
Sina Duterte at Yap ay kabilang sa mga may-akda ng SIM registration Act na layuning matuldukan ang mga panloloko, ilegal na gawain at iba’t ibang krimen gamit ang SIM cards.
“With the passage of this measure, we are made accountable with the use of our sim cards. Your SIM card, now connected to your identity. But worry not, this law provides provisions on Confidentiality and Non-Disclosure of Information which prohibit disclosure of any information, unless upon subpoena or lawful order or written request in relation to an ongoing investigation, that a particular number requested is used in the commission of a crime,” pahayag ni Yap.