Hinimok ng isang kongresista ang pamahalaan na pangalanan at isapubliko ang pagkakakilanlan ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.
Sa isang Facebook post sinabi ni Davao del Norte 2nd District Rep. Alan Dujali na inirekominda na niya ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para mapalakas pa aniya ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19 pandemic.
Nauna nang umapela si Sen. Panfilo Lacson patungkol sa pagsasapubliko sa pagkakakilanlan ng mga COVID-19 patients sa kabila ng mahigpit na batas sa “patient” medical records.
Iginiit ng senador na dahil hindi pa handa sa ngayon ang implementasyon ng Philippine Identification System Act, mahirap para sa pamahalaan na ma-trace ang mga tao na nagpistibo sa COVID-19, gayundin ang mga may direct exposure sa mga ito.
Bukod dito, pahirap din ang Data Privacy Act, na nagbibigay ng proteksyon sa rigt to privacy at non-disclosure ng mga medical records ng mga pasiyente.