-- Advertisements --

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Hinimatay ang halos 10 mag-aaral at isang ginang ang umano’y nakunan nang ibinuntis dahil sa sobrang siksikan makakuha lang ng pondo mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng DSWD-10 sa Masterson Avenue,Upper Balulang,Cagayan de Oro City.

Nagsimulang maglinya ang mga mag-aaral at ilang mga magulang gabi pa lang ng Biyernes dahilan na dumarami ng husto ang mga ito nang sinimulan ang educational assistance distribution kaninang umaga.

Sinabi sa Bombo Radyo ni DSWD 10 information officer Roshiel Galla na humingi sila nang paumanhin sa publiko kaugnay sa pangyayari.

Dagdag ng opisyal na inamin nila na mayroong pagkukulang at tinitiyak na mas maayos na ang susunod na cash distribution sa mga susunod na Sabado.

Magugunitang umani ng kaliwa’t kanan na mga pagbatikos ang liderato ni DSWD Secretary Erwin Tulfo dahilan sa kulang na koordinasyon at sistema habang ipinatupad ang pag-abot tulong pinansyal sa mga mahihirap na mga pamilya sa bansa.