-- Advertisements --
Ipinag-utos ng Ukrainian government ang pagpapalikas sa mga residente naninirahan sa 37 settlements sa north-east dahil sa pinaigting na pag-aatake ng Russia.
Ayon sa mga opisyal ng Kupiansk district ng Kharkiv region na dapat ay mabilis silang gumawa ng hakbang dahil sa hindi tumitigil ang Russia ng pagpapaulan ng mga missiles.
Maraming mga sibilyan ang kanilang nailikas sa ligtas na lugar.
Una ng ipinagmalaki ng Russia na kanilang nasakop na ang ilang bahagi ng Kupiansk district subalit naharang sila ng mga Ukrainian forces.
Magugunitang maraming mga gusali ang natamaan ng missiles ng Russia sa ilang bahagi ng Ukraine kung saan ilang sibilyan ang nadamay na rin.