-- Advertisements --

Isinailalim sa lockdown ang ilang lugar sa probinsya ng Cotabato sa pinaigting na kampanya kontra Coronavirus Disease (Covid 19).

Bago lang ay inaprubahan ng SOCCSKSARGEN Regional Inter-Agency Task Force ang modified lockdown ang ilang Barangay at Sitio sa dalawang bayan sa probinsya ng Cotabato.

Ang mga lugar na isinailalim sa 14 days lockdown ay Purok 7A Barangay Malatab Antipas, Purok 7 Brgy Poblacion Carmen,Siti o Gaunan,Sitio Maguling, Sayre Highway at Brgy Manarapan sa byan parin ng Carmen Cotabato.

Sa ngayon ay umakyat na sa 31 katao ang nagpositibo sa Covid 19 sa probinsya ng Cotabato kaya pinalakas pa ng Inter-Agency Task Force ang health protocols kontra sa nakakahawang sakit.