CAGAYAN DE ORO CITY – Hinamon ng Confraternity of the New Apologetics si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na gawing isang linggo o ‘di kaya’y isang buwan ang pagsakay sa pampublikong sasakyan galing sa bahay nito patungo sa Malacanang.

Sinabi ni Bro. Cleb Calimutan, presidente ng Confraternity of the New Apologetics na maganda ang ginawa ni Panelo ngunit mas mainam umano na habaan ito upang mas malaki ang makikitang solusyon sa nararanasang matinding traffic sa bansa lalong lalo na sa kalakhang Maynila.

Ayon naman kay National Confederation Transport Union regional coordinator Joel Gabatan, dapat hindi magpasama sa media si Panelo upang walang mangyayaring special treatment at mararamdaman ang tunay na problema sa trapiko sa bansa.