-- Advertisements --

Nakatakdang darating sa mga susunod na linggo ang ilang libong COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac, Pfizer at Gamaleya Institute ng Russia.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, na dumating na noong Abril 11 ang nabili ng gobyerno na 500,000 doses ng Sinovac habang mayroon tig- 500,000 na darating sa Abril 22 at Abril 29.

Aasahan rin na darating ngayong buwan ang nasa 194,000 na bakuna mula sa kumpanyang Pfizer.

Inaasahan na rin ng bansa ang pagdating ng nasa 20,000 doses ng Sputnik V vaccines mula sa Gamaleya Institute ng Russia na gagamitin para sa simulation o practice.

Mayroon ding 480,000 na Sputnik V doses ang darating sa bansa sa katapusan ng Abril.

Bukod sa nasabing mga bakuna ay maraming mga bakuna mula sa iba’t-ibang kumpanya ang darating sa mga susunod na buwan.