-- Advertisements --

Sisimulan na bukas Abril 6, 2021 ng ilang local government unit (LGU) ng Manila, Marikina, Navotas at Quezon City ang pamamahagi ng cash assistance.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, makakatanggap mula P1,000 hanggang P4,000 ang bawat benepisaryo mula sa nabanggit na mga lugar.

Magugunitang naglaan ang gobyerno ng P23 bilyon bilang ayuda sa 22.9 milyon na residente ng NCR Plus kung saan ipinatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na nagsimula noong Marso 29 at ito ay pinalawig ng hanggang Abril 11.

Majority sa mga alkalde ang nagkasundo rin na ibigay na lamang bilang cash ang nasabing ayuda kaysa sa panukalang “in kinds.”