-- Advertisements --

Inanunsyo na ng ilang oil companies ang kanilang ipatutupad na oil price hike bukas.

Sa hiwalay na mga paabiso, ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. ay nagpatupad ng umento sa kada litro ng gasolina na P1.30.

Ang diesel ay mayroon ding umento na P1.00 kada litro at P1.35 sa kada litro ng kerosene.

Parehong adjustment din ang ipatutupad ng Cleanfuel maliban sa kerosene na hindi nila produkto.

Epektibo ang oil price adjust bukas dakong alas-6:00 ng umaga para sa lahat ng firms maliban sa Cleanfuel na alas-4:01 pa ng hapon magpapatupad ng oil price hike.

Ang iba pang mga oil firms ay nakatakda ring mag-anunsyo ng kanilang ipatutupad na oil price adjustment.

Kung maalala, noong nakaraang linggo, nagpatupad din ang mga oil companies ng umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang gasolina ay mayroong umento na P2.80, diesel, P2.25 kada litro at kerosene na P2.40 kada litro.

Base sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy (DoE), ang year-to-date net increases para sa gasolina ay papalo na sa P5.90 kada litro, ang kada litro ng diesel naman ay P2.05 at P3.20 kada litro sa kerosene.