-- Advertisements --
Nag-abiso na ang Supreme Court (SC) na pansamantala muna nilang isasara ang ilang korte sa bansa dahil sa isinasagawang disinfection ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Base sa abiso ng Metropolitan Trial Court (MTV) sa Sta. Cruz, Davao del Sur, isasara daw ang naturang korte mula ngayong araw hanggang sa Pebrero 18.
Pero kapag lumabas na raw ang resulta ng swab test ng mga kawani nito at nagnegatibo naman lahat ay posibleng buksan din ito agad.
Maliban dito, sarado rin ang Office of the Clerk of Court sa Baguio City mula ngayong araw hanggang sa Pebrero 18.
Maaari naman umanong makipag-ugnayan ang publiko sa naturang mga korte sa pamamagitan ng kanilang official hotline at email address.