Pinaghihinay-hinay ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista sa ilang lansangan na apektado ng masamang lagay ng panahon.
Sa Brgy. Puting Kahoy, Lian, Batangas ay pansamantalang hindi madaanan ang Nasugbu-Lian-Calatagan Road matapos mag-collapse ang bahagi ng pavement dahil sa ulan at baha.
Sa pagsasara ng lansangan, nagpatupad ang Batangas 1st District Engineering Office ng pagbabago sa ruta ng mga sasakyan upang walang stranded na pasahero sa nasabing bayan.
Samantala, ang Biliran Circumferential Road (BCR) naman, partikular na ang Barangay Inasuyan, Kawayan sa lalawigan ng Biliran ay nilagyan ng net ang gilid ng daan.
Layunin nitong maiwasan ang pinsala dahil sa rockfall events.
Bagama’t hindi naman malalaki ang bumabagsak na bato, maaari pa rin kasi itong magdulot ng panganib sa mga nagdaraaang motorista sa lugar.