-- Advertisements --
image 73

Iniulat ni Department of Energy Sec Raphael Lotilla ang plano ng mga dayuhang investors na mamuhunan sa renewable energy sa bansa.

Ayon sa kalihim, pangunahing target ng ilang mga investors, na kinabibilangan ng Blue Float Energy, ay ang offshore wind project. Ilan sa mga lokasyong nakikita rito ay ang Bataan, Batangas, Cagayan, Ilocos, at Southern Mindoro.

Dahil dito, ginagawan na umano ng DOE ng paraan upang mapabilis ang applikasyon ng mga ito at maitayo ang mga planong energy source sa mga napiling lugar.

Kasama rin sa mga inihahanda aniya ng DOE ay ang policy framework at administrative framework na siyang magiging basehan para sa pagtatayo ng karagdagan pang mga offshore wind resource sa bansa.

Ang nasabing framework ay inaasahang ilalabas ng ahensiya sa loob ng 60 days.

Kasabay nito, umaasa ang kalihim na magiging madali rin ang proseso ng pagtatayo sa mga proyekto, pagdating na sa LGU, o sa mga lugar kung saan ito balak ipatayo ng mga investors,

Samantala, sinabi ni Lotilla na mayroon ding available na insentibo para sa mga renewable energy projects, batay na rin sa umiiral na batas ng bansa