-- Advertisements --
Ikinadismaya ng grupo ng mga transportasyon sa bansa ang naging unang state of the nation ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon sa inilabas na kalatas ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide na hindi umano natalakay ng pangulo kung paano pababain ang presyo ng langis sa bansa na siyang nagpapahirap sa halos 600,000 na jeepney drivers at 150,000 operators.
Sinabi naman ni PISTON president Mody Florand na dahil sa hindi pagtanggal sa nasabing buwis sa langis ay tiyak na mahihirapan ang mga nasa sektor ng transportasyon.
Patuloy kasi na isinusulong ng mga transport groups ang pagtatanggal na ng gobyerno ng excise tax sa mga produktong langis para hindi maging pabigat sa mga transport sectors.