-- Advertisements --
image 258

Nanawagan ang ilang grupo sa bagong talagang chairman ng Commission on Human Rights (CHR) na magpakita ng independence mula sa Malacañang.

Ginawa ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang pahayag matapos na inanunsyo ng Malakanyang na si Atty Richard Palpal-latoc, ay nagmula sa pagiging deputy executive secretary sa office ni President Ferdinand Marcos, Jr.
Umaasa ang grupo na sana raw kahit malapit sa Palasyo si Palpal-latoc ay magpakita ito ng pagiging independence.

Nagpaalala naman ang rights group na Karapatan na sana raw si Palpal-latoc at ang bagong CHR Commissioner na si Beda Epres ay panatilihin ang mandato ng Commission na may “independence, probity, integrity, at transparency.”

Ipinaalala rin ng dalawang grupo na sa ngayon ay binabalak ng International Criminal Court o ICC na makialam dito sa Pilipinas at iimbestigahan ang kontrobersiyal na war on drugs ng dating administrasyon.

Bilang reaksiyon tiniyak naman ni chairman Palpal-latoc na sa ilalim ng kanyang liderato ang CHR ay walang kikilingan at magsisilbi upang bigyan ng hustisya ang lahat at may pagkapantay pantay sa paghawak sa kaso.
Si atty Palpal-latoc, na dati ring nagtrabaho sa Department of Social Welfare and Development at Office of the Ombudsman, ay inamin na siya mismo ang nag-apply sa naturang posisyon dahil sa kanyang “concern” sa mga naabusong mga bata at kababaihan.