Kinondena ng ilang grupo ang desisyon ng Korte Suprema na pagbasura sa petsiyon laban sa pagpapatupad ng taas-singil sa pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) System na nabinbin sa loob ng walong taon.
Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) magreresulta lamang ito sa mas maraming yugto pa ng pagtataas ng pasahe sa mga pampublikong tren sa bansa na makakasama sa mga mananakay.
Kinuwestyonm din ni Renato Reyes, secretary general ng BAYAN ang ruling ng SC dahil wala aniyang umiiral na independent regulatory body na magreregulate sa pasahe bilang parte ng check and balance.
Maalala sa inilabas na statement nitong Biyernes, sinabi ng SC En Banc na kanilang ibinasura ang ilang mga petsiyon mula 2015 na kumukwestyon sa department order ng dating Department of Transportation and Communication (DOTC) na nagmamandato sa aplikasyon ng user-pays principle at pag-adopt sa uniform base fare na P11 plus P1 kada kilometro para sa dagdag na distansiya.
Top