-- Advertisements --
Kanselado ngayon ang ilang flights mula sa Japan na patungong Pilipinas.
Ayon sa Philippine Airlines (PAL), apektado ng volcanic eruption ang air space, kaya mapanganib para sa byahe ng mga eroplano.
Nabatid na nagsimula ang pagsabog ng Fukutoku-Okanoba volcano nitong mga nakaraang araw.
Kabilang sa mga kanseladong flights ang mga sumusunod:
PR 427 Narita-Manila
PR 437 Nagoya-Manila
PR 411 Kansai-Manila
PR 421 Haneda-Manila
Nangako naman ang airline company na maglalabas sila ng panibagong abiso kapag nag-resume na ang kanilang mga byahe.