KORONADAL CITY – Pinaigting pa ng Surallah LGU ang kanilang pagbabantay mula sa mga fish vendors na nagtatangkang palusutin ang mga empleyado at mga produkto nito sa loob ng bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Surallah Mayor Antonio Bendita, inihayag nitong naalarma siya nang ipinaalam sa kaniya ng isang barangay kagawad sa Brgy. Centralla na nakalusot umano ang isda na naabutan ng hard lockdown papunta sa satellite market sa Brgy. Poblacion.
Dahil dito, isinailalim sa hard lockdown ang naturang satellite market kung saan naka-isolate din dito ang may-ari ng delivery truck matapos nagpositibo sa covid-19 at nakakaranas ng mild symptoms ng sakit.
Kung matatandaan nagpalabas ng executive order si Mayor Bendita na nagtatakda ng ilang medical requirements bago pumasok sa kanilang bayan.
Mga fish vendors , nga nagapalusot ang mga gintinda nga isda pakadto sa satellite market sa Surallah, South Cotabato sa tunga sang Covid-19, gindakop sang mga mga otoridad.