Patuloy pa ring umaani ng iba’t ibang reaksiyon ang naging pahayag ng Top Rank Promotions na nakatakdang isapormal ang pag-anunsiyo sa mga susunod na araw sa laban ni Senator Manny Pacquiao kontra sa undefeated boxer na si Jeff Horn.

Habang excited ang maraming mga sports fans sa Australia sa July 2 fight, ilang boxing fans naman ang hindi pa rin kumbinsido sa match-up.

Anila, hindi raw kasi kilala si Horn at bagito pa lamang.

Si Horn ay may 16 pa lamang na panalo, kung saan 11 rito ay sa pamamagitan ng knockouts.

Kumpara naman kay Pacman na merong natipon na 57 wins sa kanyang career at umaabot na sa 38 na mga kalaban ang pinabagsak.

Si Horn ay isang dating school teacher at graduate ng Bachelor of Education na may degree sa Health and Physical Education/Fitness.

Si Horn ang Australia’s best performing boxer sa 2012 London Olympics na umabot sa quarterfinal stage.

Ilang mga boksingero naman sa Amerika at boxing analysts ang nanghihiyang dahil mas marami raw ang mawawala sa Pinoy boxing icon, habang sa lahat ng anggulo ng laban ay si Horn naman ang makikinabang dahil babango at sisikat ang pangalan nito.

Para naman kay Amir Khan na naitsapuwera sa laban kay Pacman, wala itong magawa kundi magpaabot na lamang ng goodluck wish sa Pinoy superstar.

Kung maalala kamakailan lamang ay nagpa-survey mismo si Pacquiao sa kanyang social media account na Twitter at lumabas na si Khan ang gusto ng maraming fans na makalaban niya.

Pero naunsyami ang Pacquiao-Khan showdown sa United Arab Emirates dahil wala palang maipakitang pera ang mga investors.

Narito ang ilan pang mga reaksiyon sa social media sa Pacquiao vs Horn fight:

Boxing Forum
“Screw Bob Arum – No one wants to see the Jeff Horn fight. Either Crawford or a top WW like thurman or garcia. K…”

FightNights.com‏
“Manny Pacquiao should be fighting Keith Thurman next. Jeff Horn is really just a slap in the face to boxing fans.”

Patrick Connor
“Nothing against Jeff Horn, at all, but… What?”

“Gonzalo R. Avila”
“@FreddieRoach are you really going to fight Jeff horn somebody that no one knows. I thought u wanted to make fights the fans want to see?”

Amir Khan
“Wish @mannypacquiao all the best against Jeff Horn”

Lou DiBella
“Apparently, PAC wants no part of @keithfthurmanjr when a mega matchup like Jeff Horn is out there!”

alexguiness on 04-03-2017
“Manny vs is Horn is worse than Floyd vs Berto”

Elroy The Great
“khan/horn = easy fight pac will finally score a ko”

richardt
“Pac just got done saying: “Horn who?????” “I dont know who this guy is!”. Trying to get the Khan fight doesnt mean jumping back to Horn without trying to get a name fighter instead.”

Bronx23
“Arum the only person in the world pushing for this fight. Praying Pac and Koncz try to pull another fast one and find a different opponent lol. Time is not on Pacs side though”