-- Advertisements --

Inilabas ng Buckingham Palace ang ilang detalye ng paghahatid sa huling hantungan ni Queen Elizabeth II.

Magsisimula ito ng ala-6 ng gabi oras sa Pilipinas sa Westminster Abbey at ito ay dadaluhan ng nasa 2,000 katao.

Magsasagawa ng dalawang minutong katahimikan sa buong United Kingdom bago simulan ang ilang seremonyas.

Dadalhin ang bangkay ni Queen Elizabeth II sa Windsor Castle para sa mas maliit na service na dadaluhan ng 800 katao.

Matapos nito ay magsasagawa ng private service lamang para sa mga miyembro ng pamilya.

Pakatapos nito ay ilalagay na ito sa royal vault katabi ng asawa nitong si Duke of Edinburgh.