-- Advertisements --

Inilabas na ng Vatican ang ilang detalye ng gaganping Requiem Mass para sa pumanaw na si Pope Benedict XVI.

Ayon kay Matteo Bruni ang director ng Holy See Press Office, na pangungunahan mismo ni Pope Francis ang Requiem Mass o misa para sa mga patay.

Magbibigay din ang Santo Papa ng kaniyang homily at pagdiriwan ng Rites of Commendatio at Valedictio.

Dagdag pa ni Bruni na may ilang pagbabago silang isinagawa gaya ng pagdagdag sa bahagi ng Requiem Mass.

Kabilang din na ibinahagi ni Bruni ang mga bagay na ilalagay sa ibabaw ng cypress-wood na kabaong ng yumaong Santo Papa.

Ilan sa mga dito ay ang Pallia ang pallium ay sumisimbolo ng ecclesiastical jurisdiction at especial na pakikipag-ugnayan sa Santo Papa ganun din ang commemorative coins at medaly na ginawa sa kaniyang panunungkulan bilang Santo Papa at ang deed na nakalagay sa metal cylinder.

Matapos ang misa ay ilalagak ang bangkay nito sa sa Grottos sa ibaba ng St. Peter’s Basilica kung saan ilalagay ang kaniyang kabaong sa ilalim katabi nito ang lugar kung saan nakalibing si St. John Paul II bago ang kaiyang beatification.

Gaganapin ang libing dakong alas-4:30 ng hapon ng Huwebes Enero 5 oras sa Pilipinas.

Mula ng buksan sa publiko ang public viewing ng 7 a.m hanggang 7 p.m. ay hindi bababa sa 100,000 katao ang nagtungo na.