-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa mga available na serbisyo para sa mental health ngayong nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang bansa.

Pahayag ito ng ahensya matapos lumabas sa pag-aaral ng mga eksperto sa University of Oxford sa United Kingdom na may posibilidad na makapag-develop ng mental illness ang mga gumaling sa COVID-19.

“Mapa-wala kayong COVID-19 o nagkaroon, basta mayroon kayong mental health issues we have program for that. We have hotlines and ready services sa mga kababayan na makaka-experience nito,” ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Habang pinag-aaralan pa ang resulta ng pag-aaral, patuloy daw na mino-monitor ng Health department ang mga pasyenteng nasa gitna pa rin ng quarantine period o nagpapagaling.

Bumabalangkas na rin ang ahensya ng iba pang serbisyo na maaaring lapitan ng mga Pilipinong makakaranas ng problema, lalo na sa usapin ng meantl health.

Batay sa pag-aaral na naka-post sa research journal na The Lancet, 20% ng mga pinag-aralang pasyente ang nag-develop ng psychiatric disorder sa loob ng 90-araw.

Kabilang daw sa nakita ng mga nagsaliksik ay ang pag-develop ng anxiety, depression at insomnia sa mga recovered patients. Nabatid din ng researchers ang mataas na risk ng dementia sa mga gumaling na pasyente ng coronavirus.

“People have been worried that COVID-19 survivors will be at greater risk of mental health problems, and our findings… show this to be likely,” ani Paul Harrison, pschiatry professor sa Oxford.

Hinimok ng DOH spokesperson ang publiko na panatilihing relax at kalmado ang sarili lalo na sa gitna ng komplikadong sitwasyon tulad ng pandemic.

Pinayuhan din ni Usec. Vergeire ang bawat isa na makipag-usap sa kanilang pamilya, kaibigan at mga pinagkakatiwaliang tao kung may nararamdaman o iniisip.

Maaar rin daw sumubok ng ibang bagay para matanggal ang stress o labis na pag-iisip.

“Kung overwhelming na yung nakikita niyong bakuna sa balita or sa social media, bawasan natin yung oras na ginugugol natin. Tulad ngayong November 11, may sale sa iba’t-ibang social media.”

“Kailangan lagi nating iisipin na it’s okay not to be okay.”