-- Advertisements --
Sinelyuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega ng asukal sa lungsod ng Caloocan.
Ito ay matapos na madiskubre ng BOC ang mahigit 14,000 na sako ng mga imported na asukal mula sa Thailand.
Bukod sa Caloocan, kanilang nabisita rin ang bodega sa Balot, Tondo, Maynila.
Bibigyan ang mga may-ari ng nasabing mga bodega ng 15 araw para magpresenta ng kanilang mga kaukulang papeles.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagbisita sa mga bodega ng asukal kaugnay sa isyu ng kakulangan ng suplay sa bansa.