-- Advertisements --
Screenshot 2021 01 02 10 15 24

NAGA CITY – Sinalubong ngayon ng baha at pagguho ng kalupaan an ilang bayan sa probinsiya ng Camarines Sur matapos salubungin ang bagong taon.

Sa inilabas na data ng Office of Civil Defense (OCD)-Bicol, nakapagtala ng 23 na mga flooding incidents sa 10 bayan at isang lungsod sa Bicol Region at naitala ang mga ito sa lalawigan ng Sorsogon, Albay at Camarines Sur.

Sa mga binahang lugar sa Camarines Sur ito ay ang Gimagtocon spillway sa bayan ng Lagonoy at unpassable sa ngayon; Brgy. Penitan sa bayan ng Siruma; Ayagan spillway at Gatbo-Del Rosario spillway sa bayan ng Ocampo na unpassable rin sa ngayon, habang dalawa naman sa bayan ng Buhi kung saan lubog sa baha ang ilang parte ng barangay San Buenaventura at San Pascual.

Aabot rin sa 11 ang landslide incidents na naitala sa limang bayan at isang lungsod sa mga lalawigan ng Sorsogon at Camarines Sur.

Dalawa dito ay sa bayan ng Libmanan partikular na sa Brgy. Malinao at sa Barangay Genorangan sa bayan naman ng Lagonoy.

Ang walang tigil na pag-uulan simula kahapon hanggang sa pagpalit ng taon ang naging dahilan ng mga pagbaha.

Sa ngayon aabot rin sa 30 pamilya ang nag-evacuate sa Camarines Sur.

Naitala ito sa Brgy. Bongalon sa bayan ng Sagnay na katabing barangay ng Patitinan na kilala sa tawag na “no man’s land.”

Dahil sa walang tigil na pag-ulan na dala ng bagyong Usman ng nagdaang taon matapos na gumuho ang malaking bahagi ng bundok at maraming residenteng namatay dalawang araw bago sumapit ang bagong taon.

Sa ngayon patuloy pa rin nararanasan ang kalat-kalat na pag-uulan sa ilang bayan sa lalawigan ng Camarines Sur.