-- Advertisements --

Isasara ang ilang bahagi ng kalsada sa Metro Manila para pagbubutas ng Tunnel Boring Machine.

Ayon sa Department of Transportation na makakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko mula alas-10 gabi hanggang alas-4 ng umaga sa Pebrero 2 hanggang 5.

Ang mga apektadong lugar ay sa 5th Avenue, Ortigas Avenue, Doña Julia Vargas Avenue sa lungsod ng Pasig at sa Araneta Avenue sa lungsod ng Quezon.

Ang nasabing Tunnel Boring Machine ay gagamitin para sa paggawa ng mga tunnels na magkokonekta sa Metro Manila Subway Project’s ng Ortigas Avenue Station, Shaw Boulevard Station at Kalayaan Avenue Station.

Pinayuhan ng DOTr ang mga motorista sa dumaan na lamang sa mga itinakda nilang rerouting.