-- Advertisements --
Screenshot 2021 02 20 16 38 49

DAVAO CITY – Nasa mga evacuation center na ang ilang mga residente ng Davao de Oro partikular na ang mga naninirahan sa Brgy. Andap sa nasabing lalawigan ito at bahagi pa rin ng pre-emptive measure sa posibleng epekto ng bagyong Auring.

Sinasabing karamihan sa mga residente ay naninirahan sa mga landslide prone areas dahilan na agad inilipat ang mga ito sa mas ligtas na lugar lalo na’t may nanaranasan na rin na mga pag-ulan ang lalawigan.

Nabatid na nasa halos 80 na mga pamilya o higit 200 na mga indibidwal ang dinala ngayon Andap Elementary School.

Samantalang para matiyak naman ang kaligtasan ng mga residente sa ilang lugar sa Davao del Norte, isinailalim ngayon ang lugar sa “red alert status” ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa Tagum City, Davao del Norte ito ay para makapaghanda rin sa bagyong Auring.

Target ngayon ng Davao region ang zero casualty dahilan na nitong nakaraang araw pa ay naghahanda na ang mga LGUs sa rehiyon.

Samantalang dito sa lungsod ng Davao, kinansela ngayon ng Coast Guard Station Davao ang biyahe mula Davao patawid ng Island Garden City of Samal.

Tiniyak naman ni City Disaster Risk Reduction and Management Office head Alfredo Baluran nga naka-lerto na ang mga disaster response team at mga barangay disaster team sa pag-responde at nakahanda na rin ngayon ang mga evacuations center kung sakaling may mga residente na kailangang ilikas.

Kung maalala, kabilang ang Davao region sa mga isinailalim ngayon sa signal number 1 dahil sa posibleng mararanasan na mga pag-ulan, pagbaha at landslide.