-- Advertisements --
Mayroong umanong malinaw na ebidensiya at impormasyon na ginahasa at inabuso ng Hamas ang ilang kababaihan at mga batang bihag nito.
Iyan ang pagbubunyag ni United Nations Special Envoy Pramila Patten.
Dagdag pa nito, mayroong reasonable grounds na ang mga pang-abusong sekswal ay patuloy na nararanasan ng mga natitirang hostage ngayon.
Hindi na nagawang makipag-usap ng grupo ni Patten sa mga umano’y biktima ng panggagahasa dahil karamihan daw sa mga ito ay nagpapagaling at nakararanas pa ng matinding mental distress at trauma.
Gayunpaman, nakausap nila ang ibang nakaligtas na hostages at nakasaksi kung saan mayroon daw nangyaring sexual torture at gang rape habang nasa kamay sila ng Hamas.