-- Advertisements --
Ilan pang mga kompaniya sa Singapore ang kinokonsiderang kumuha pa ng mga Pinoy workers.
Iniulat ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Toots Ople, ang Facebook Singapore ay nais pang kumuha ng manggagawang Filipino at ilan pang multinational companies.
Ang nasabing kompaniya ay humingi na raw daw ng accreditations na nagpapakita lamang sa pagkilala sa galing ng mga Pilipino at IT professionals.
Bukas nga pagkatapos ng state visit ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Indonesia ay saka naman ito didiretso doon sa Singapore.