-- Advertisements --
image 17

Nagpayahag daw ang ilang foreign ambassadors ng kanilang simpatya at nangako ng tulong sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Paeng.

Ang European Union (EU), ay nagpaabot na ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng bagyong Paeng.

Nangako ang mga itong tutulong sa bansa matapos manalasa ang bagyo.

Sinabi naman ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na ang kanilang team ay mino-monitor na raw ang development at nangakong aalalay sa gobyerno ng Pilipinas.

Samantala, nagpahayag din ng suporta si Australian Ambassador-designate to the Philippines Hae Kyong Yu at nangako ring magbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

Nangako rin ng tulong at patuloy na mino-monitor ng United Kingdo ang sitwasyon sa mga apektadong lugar.

Ito ang inihayag ni UK Ambassador-Designate to the Philippines Laure Beaufils.

Nagpaabot din ng dasal sa mga biktima ng kalamidad si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Idinagdag nitong tuloy-tuloy ang kanilang koordinasyon sa Philippine government para magbigay ng tulong.

Maging si Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko ay nagpahayag din ng simpatya sa mga biktima ng bagyo.

Sa hiwalay na statement, inihahanda na raw ng Japanese government ang tulong na ibibigay sa Pilipinas kasunod ng pagtama ng bagyong Paeng.