-- Advertisements --
image 90

Naitala ng San Antonio Spurs ang ikatlong sunod na pagkatalo matapos itong tambakan ng New York Knicks, 126 – 105.

Hawak ng Knicks ang kalamangan sa kabuuan ng naging banggaan ng dalawa, gamit ang episyenteng 3-pt field goal percentage na 45.2%.

Nagawa ng Knicks na makapagpasok ng 19 3-pointers mula sa 42 shots na sinubukan nitong ipasok, habang siyam na 3points lamang ang naging ganti ng Spurs.

Sa kabilang banda, duminado naman ng San Antonio ang paint area, at nagawa nitong magpasok ng 62 points kumpara sa 50 points lamang ng Knicks

Bagaman anim na players ng San Antonio ang nagbuhos ng double-digit scores, wala sa kanila ang nakagawa ng 20 points o mas mataas pa.

Maging ang bigman na si Victor Wembanyama ay nalimitahan lamang sa 14 points at siyam na rebounds.

Sa panig ng Knicks, nagtulong-tulong ang apat na players nito na kinabibilangan nina Jalen Brunson, RJ Barrett, Julius Randle at Immanuel Quickley, upang tambakan ang mga bagitonng players ng San Antonio.

Ang apat na players ay nagbuhos ng kabuuang 91 points, 14 points na mas mababa kaysa sa kabuuang puntos ng buong San Antonio..

Tatlong panalo pa lamang ang hawak ngayon ng SAS at lima na ang pagkatalo habang 4 – 4 naman ang Knicks.