-- Advertisements --
249708

Naibulsa ni Pinay ju jitsu player Margarita Ochoa ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Asian games 2023.

Nagawa ng Pinay martial artist na patumbahin ang pambato ng United Arab Amirates na si Balqees Abdulla sa Women’s 48kg ju juitsu.

Dahil dito ay mayroon nang dalawang gintong medalya ang Pilipinas kung saan ang pinakauna ay ang gintong napanalunan ni pole vaulter Ej Obiena ilang araw na ang nakakalipas.

Maalalang kahapon ay umusad si Ochoa sa naturang kategorya matapos niyang patumbahin ang martial artist ng Thailand na si Pechrada Kacie Tan.

Si Margarita ‘Meggie’ Ochoa ang naging pambato rin ng Pilipinas noong 2019 SEA Games sa Brazillian ju juitsu, ngunit sa naturang kompetisyon ay sa 45kgs pa lamang siya sumali.

Sa naturang palaro ay nagawa rin ni Meggie na makapag-uwi ng gintong medalya.