Kasalukuyang beniberipika na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang reports hinggil sa nadagdag na ikaapat na Pilipinong tripulante na posibleng nasugatan sa missile attack ng Russia na puminsala sa kanilang sinasakyan na Liberian-flagged vessel habang papasok sa Black Sea nitong Miyerkules.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ed De Vega, nakatanggap ang himpilan ng DFA sa Manila ng report na isa pang seaferer mula sa PH ang nagtamo ng injuries mula sa pag-atake.
Sinabi ng opisyal na wala pang malinaw na impormasyon kung saan nanggaling ang missile subalit base sa reports, isang Russian missile ang tumama sa bako habang papasok ito sa pantalan sa Odessa region na ikinasawi ng isang port employee na Ukrainian national.
Ayon kay USec. De Vega kasalukuyang nasa ospital sa Odessa ang lahat ng mga Pilipinong lulan ng barko.