-- Advertisements --

Pinangalanan na ni Department of the Interior and Local Goverment (DILG) Secretary Benjamin Abalos jr. ang huli at ika-limang miyembro na bubuo sa 5-man committee na susuri sa mga courtesy resignation ng mga heneral at koronel ng Philippine National Police na bahagi pa rin ng mas maigting na internal cleansing sa buong hanay ng pulisya.

Ngayong araw ay inihayag ni abalos na si dating court of appeals Associate Justice Melchor Sadang ang ika-limang miyembro ng advisory group na pinili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos jr.

Ayon sa kalihim, dumaan muna sa mabusising screening si sadang bago ito matanggap at mapabilang na maging bahagi ng 5-man panel ng pamahalaan na patunay sa magandang track record at malinis na integridad nito.

Samantala, si Sadang ang isa sa mga miyembro ng advisory group na una nang sinabi ni abalos na tumangging maisapubliko ang pangalan.

Nanungkulan siya noon bilang presiding judge ng Cavite Regional Trial Court, at naging isang law professor.

Makakasama niya sa naturang advisory group sina Baguio City Mayor Benjamin Mmagalong jr., dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, office of the presidential adviser on Military Affairs Undersecretary Isagani nerez, at si PNP chief PBGen. Rodolfo Azurin Jr.

At sa darating na lunes ay inaasahang magpupulong ang mga ito upang pag-usapan ang mga hakbang para sa pagsasala sa mga courtesy resignation ng mga high ranking officials ng PNP.