-- Advertisements --

CEBU CITY – Hiling ngayon ng isang political analyst mula sa University of the Philippines (UP) Diliman na iklian ang ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, Hulyo 27.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Dr. Clarita Carlos, sinabi nito nakakapagod umanong pakinggan kung habaan ni Duterte ang SONA upang ipahayag kung ano pa ang magagawa nito sa loob ng dalawang taon.

Ayon kay Carlos na kailangang magbigay ang pangulo ng komprehensibong ulat sa publiko, lalo na ang mga hakbang ng kanyang administrasyon sa ilalim ng “new normal.”

Dagdag pa nito na naging pahirapan ang ipinatupad na lockdown measures sa ilang mga lugar dahil maraming Pilipino ang naapektuhan nito.

Giit ngayon ni Carlos na kailangang pairalin ang “individual responsibility” ng mamamayan nitong panahon ng pandemya upang makabangon mula sa naranasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.