-- Advertisements --
Screenshot 2023 10 20 164939 2

Dumating sa Pilipinas ang ikalimang batch ng mga Filipino repatriates mula sa Israel

Ang grupo, na binubuo ng 22 overseas Filipino workers at isang sanggol, ay ligtas na nakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa 22, may kabuuang 19 ang nagtatrabaho bilang caregiver habang tatlo ay mga hotel workers.

Ayon sa DMW, kabilang sa mga pinauwi ay si Mary June Prodigo, kapatid ng pinaslang na Pinay si Grace Prodigo Cabrera, na nagdala ng abo ng kanyang kapatid sa kanyang pagbabalik mula sa bansang napinsala ng digmaan sa Israel at ng Hamas.

Malugod na tinanggap ni DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, at Overseas Workers Welfare Administration Administrator (OWWA) Arnell Ignacio ang mga repatriated OFWs.

Dagdag dito, inalok sila ng repatriation assistance package na P50,000 bawat isa mula sa OWWA para tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya at tulungan silang maayos na makabalik sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Nauna nang sinabi ng DMW na inaasahan ngayong araw ang ikaanim na batch ng mga repatriates, na binubuo ng 42 OFWs.

Sa pagdating ng ika-6 na batch, magiging 184 na ang kabuuang bilang ng mga umuuwi na OFW mula sa Israel.