-- Advertisements --
Inumpisahan na umano ng Department of Education ang paghahanda para sa selebrasyon ng ika-125 taong founding anniversary nito.
Batay sa DepEd Memorandum Number 32, series of 2023, magiging sentro ng pagdiriwang ang temang “Isang Pamilya para sa MATATAG na Kagawaran”.
Ang nasabing tema ay bilang pagsuporta sa MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa education agenda ng kagawaran.
Paliwanag ng ahensiya na ang nasabing agenda ay nakatutok sa paghahatid ng dekalidad, accesible, at malayang basic education para sa mga Pilipino.
Isasagawa naman ang isang linggong selebrasyon sa June 19 hanggang 23.