-- Advertisements --
Nakatakdang dumating ang ikalawang batch ng Filipino repatriates na naipit sa giyera sa Israel ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 20.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Honey Quiño, dakong 3:45 mamayang hapon inaasahang darating ang Filipino repatriates.
Sasalubungin ng OWWA, DMW, DFA at ibang pang mga ahensiya ang second batch.
Ayon naman kay DFA USec. Eduardo De Vega, tutulong din ang Department of Health at DSWD sa pagbibigay ng psychosocial support para sa mga returning OFWs.
Hindi naman tiyak ng opsiyal ang eksaktong bilang ng mga Pilipinong kasama sa second batch ng repatriates mula Israel subalit sa pagtaya nito ay aabot ito sa 20.